Friday, July 25, 2008

Isang Pagbabalik Tanaw

Contributed by Ronald B. Santos

“Please bring water plant this afternoon”. Ito ang unang assignment ntin nung 4th year high school sa pinaka-lovable nting class adviser na si Mrs. Ma. Teresa E. Enriquez (MATAE nga sya kung tawagin..heheh.)..Sino bang makakalimot sa kanyang “Law of Inertia”, Bouyant Force , Motion and Trajectory”, at ang walang kamatayang formulang 9.8 m/second square(constant gravitational force).Halos nagamit ntin sa pag-solve ng mga physics problems. Medyo nahirapan ako sa subject na ito sa totoo lang.

Tuwing Monday naalala ko my Bible Service tayo sa classroom at in na in ang Jubilee Song..Part din ng activity ang sharing portion. At madalas sa tindi ng emosyon my crying moments pa..Bidang- bida nun sa iyakan si Tiny (Cristina Arceo) at Burt..Halos nga bumaha na ng luha sa room sa tindi ng emosyon..Pang-famas na nga ang pag-emote nila. (Bato-bato sa langit wag po sanang magagalit..hehe!)

Di ko rin makakalimutan ang mga subject teachers ntin gaya nina Ma’am Peralta sa kanyang El Filibusterismo na tragic ang ending dahil namatay si Simon - ang bida ng nobela, Mrs. Filomena Garcia sa O.A. na English accent, Mr. Emannuel Cruz sa kanyang SOCATOA code sa Geometry.. At syempre ang paborito ng lahat - ang Social Studies teacher ntin na si Ms. Elisa Marcelino (Bale or Jinky Oda kung tawagin..heheh). Halos marinig ko na ang kabog ng dibdib ko sa nerbyos pag tinawag ako sa recitation kasi di ka uupo hanggang di nakakasagot..Saka bawal ang maglabas ng libro sa klase nya di ba? At isa pa ang mga exams nya super sa hirap at right minus wrong pa.. Dinaig pa yata ang bar exam e..hehe!.Remember ko pa ang isang tanong don” “Who is the father of History?” E din man nya tinuro yun..ang sagot lang pala Herodutus..Sa Stone Age or sa tribe ng mga Aztecs at Mayas pa yata nya kinuha ang question na un..heheh! Naalala nyo pa ba ang mga terms na yun sa History?.. Pero nag-enjoy naman ako sa kanya kahit paano lalo na nung my activity tayong country hunting sa world map..Remember nyo pa rin ba un?..Pero Ma’am Marcelino's teaching strategy helped me a lot not only in History but with my self-improvement as well. Di ko sya makakalimutan bilang isa sa mga “controversial teachers”of our time dahil sa kakaibang image, ang pagiging terror..heheh!

Hanggang dito na lang muna mga klasmeyts at readers ng post na ito..Kwentuhan ko kayo ulit next time ng mga memorable events ng high school life..

To be continued..

2 comments:

Anonymous said...

Ronald, salamat sa iyong contribution.. sana madami pa magpost.. dami mo natatandaan.. ako limot ko na ata lahat ng 'yan.. hehehe..

Anonymous said...

ronald.. oopss wag mao-offend.. may naalala lang ako.. si TAO.. :D